shesdatingthegangster-moviestills-13

She’s Dating The Gangster Roundtable

She’s Dating The Gangster Roundtable
Redg Camarse and Aivy Corpuz

Among the four of us here in Coherent, I was the only one who was crazy enough to see She’s Dating The Gangster in theaters. Randolph was too broke, and Tammy and Naida weren’t that crazy with KathNiel. On the other hand, there was me. The girl who exerted the extra effort to wake up earlier than the usual, get dressed, brave the rainy weather and watch the movie. Alone. Armed with two waffle dogs and a very thin jacket, I immersed myself with Athena and Kenji’s story.

Fortunately for me, another friend of ours, Aivy, had seen the movie and liked it as much as I did. We talked about She’s Dating The Gangster nonstop for about a week and we just had to document our feelings about this movie. Here’s our roundtable (it’s still a roundtable even if it’s just the two of us, right?) discussion about the latest KathNiel movie. We had to converse in Tagalog, kasi intense talaga yung damdamin namin, ‘di kaya ng English. 😥

Sa trailer ng pelikula at pag-promote nito

Redg: Honestly, hindi ko na pinanood yung trailer ng SDTG kasi napikon ako sa itsura nina Daniel at Kathryn sa poster. Bat ganun? Di ko gets yung point nung costume, feel ko parang Diary ng Panget lang all over again.

why oh why
why oh why

Aivy: Hindi ko rin gets nung una kung bakit mukhang albularyo si Daniel, gaya ng sinasabi ng marami, pero napalagpas ko na dahil may kinalaman naman pala sa kwento kung bakit ganoon iyong buhok niya.

Noong unang beses kong napanood iyong trailer sa TV, hindi sumagi sa isip na manood sa sinehan pero habang tumatagal parang na-curious na rin ako dahil marami akong kakilala na nagsasabing maganda talaga, at dahil na rin sa GGV guesting nila.

Redg: Grabe yang GGV guesting na yan! Sobrang effective promotion! Isa din yan sa rason kung bakit ako na-convince manood sa sinehan. Hindi ako avid and loyal viewer ng GGV pero napatutok talaga ako sa TV nung sina Kathryn yung guest. BAKIT PARANG GUMWAPO SI DANIEL NG 100 TIMES? Mahal ko na siya dati pa pero ngayon parang grabe! Ibang klase.

*whispers* i love you
*whispers* i love you

Sa kwento

Aivy: Sobrang ganda ng story! Ang ganda nung naging daloy ng kwento at may lalim. Hindi siya iyong pa-cute na tungkol lang sa paglalandian.

Redg: Totoo yan! At ‘di ko akalain na ganun yung magiging format. Yung flashbacks sa younger Richard Gomez pero si Daniel yung nagp-portray. Medyo naalala ko yung (as much as I hate making this reference) format ng How I Met Your Mother. Ewan ko, di ko ma-explain.

Hindi ko nabasa yung libro pero sabi nila may mga binago raw. Keri lang, as if naman may pelikula na hango sa libro na sobrang faithful sa story.

Aivy: Nagbasa ako ng reviews tungkol doon sa libro, 2006 pala ang setting niya at hindi 90’s. Wala rin talagang Kenneth at Kelay, binago na lang daw nila para mas maging malawak iyong sakop ng kwento at para magustuhan din ng mga matatanda.

Redg: Shet, kelangan ko pa i-Google kung sino si Kenneth at Kelay. Nung knkwento ko siya sa nanay ko tinatawag ko silang Present Daniel at Present Kathryn. Kenji/AthenaKathryn 5ever!

Sa wardrobe

shesdatingthegangster-moviestills-13

Redg: Gusto ko lang sabihin na in fairness sa wardrobe choices ng movie sa flashback scenes ah! Ang cute tingnan 😥 May mga nagrereklamo na bakit daw ganun yung t-shirts ni Daniel, parang di naman pang-gangster. HAHAHA Sige, point taken. Pero yung mga wig talaga eh. Siguro nagpabili si Cathy Garcia-Molina sa Star Cinema ng isang-daang wigs tapos gusto niya masulit yun kaya everytime may id-direct siya, kelangan may gamitin na wig. Charot.

Buti na lang maganda at gwapo na sina Kathryn at Daniel kaya di masyadong apektado ang itsura nila.

Aivy: Sa wig lang talaga nagkakaroon ng problema pero sa damit okay naman. Bagay naman sa kanila, hindi sila mukhang pilit. Nakatulong din iyong paggamit nila ng kulay ng mga damit (warm vs. cool) sa pagpapakita ng pagkakaiba sa timeline.

Mas umaangat iyong ganda ni Kathryn kapag nakasuot siya ng White na damit, hindi ko alam bakit pero bagay sa kanya!

Redg: Kahit ano suot ni Kathryn para siyang dyosa. #KathrynIkawAyIsangDyosa

Sa slow-mo reunion nina Athena and Kenji

Aivy: Grabe iyong eksena ni Richard at Dawn! Sobrang galing ni Dawn umarte, kitang-kita sa mukha niya iyong pagbabago ng expression niya. Hindi niya kinailangan magsalita sa slowmo scene nila pero parang mararamdaman mo rin iyong nararamdaman niya.

Redg: ‘Di ko kinaya! Mag-isa ko to pinanood so para malabas yung damdamin ko, nagtweet kaagad ako. Ang lala ng tambalang Goma/Dawn! Huhu. Intense bakit ganun sila!

Sa mga sidekicks

Aivy: Nakulangan ako sa pag-arte nung mga bata, pakiramdam ko may iba pang mas bagay na gumanap. Sana mas matagal iyong exposure nung tumanda na sila, parang naging sobrang extra na lang silang lahat.

Redg: Ako nagustuhan ko sila? Ewan, siguro kasi ang dami kong iniisip tungkol sa pagkakaibigan ko sa mga tao kaya medyo natuwa ako sa kanila. Napa-aww kasi ako na nag-uusap pa rin sila at talagang friends pa rin. Siguro rin dahil halos lahat ng mga kaibigan ko nasa #Adulthood stage na, so parang what’s next? Napapaisip ako kung sino ikakasal, saang parte ng mundo na sila mapapadpad. Mga ganun. Grabe, dami kong iniisip ‘no? Haha.

‘Di naman din ako nag-expect na may super relevant silang storyline. Nasanay na rin siguro ako na ang mga sidekicks eh sidekicks lang talaga. Nandun lang sila for comic relief. Pero medyo malaki impact niya sa akin kasi emotionally unstable ako.

Pahabol lang. Yung “extra” na super naintriga ako ay si Lucas. Yung ex ni Athena The Wife na medyo nagka-moment with Athena-Kathryn. May story pa tungkol dun eh. Sayang, di siya masyadong na-explore.

Aivy: Parang hindi na rin nakabalik sa kwento si Sara na bestfriend ni Athena? Sana sinama rin siya sa dulo!

Redg: Oo nga, since ALAM naman niya talaga yung sakit ni Athena ibig sabihin importante siya para kay Athena. 😦

Acting nina Kathryn at Daniel

Redg: Napanood ko yung ibang episodes ng Got 2 Believe at napanood ko rin yung Sisterakas kung san nandun din sina Kathryn at Daniel so masasabi ko talaga na gumaling sila umarte. Lalo na si Kathryn! Pero kasi mas magaling talaga siya umarte, Mara Clara pa lang okay na siya.

HUHUHUHUHU QUEEN (Metro Magazine)
HUHUHUHUHU QUEEN (Metro Magazine)

Nagulat ako na hindi masagwa mag-English si Daniel! In fairness ah, na-convince ako na anak mayaman siya! Hindi balu-baluktot yung diction niya. Pero sana galingan pa niya umiyak, ‘di ako natatamaan eh. Naiiyak lang ako kasi #dadproblems pero wala akong nararamdaman para sa kanya. Naaalala ko yung eksena ni Daniel Radcliffe sa Prisoner of Azkaban nung umiyak siya.

He was their friend… HE WAS THEIR FRIEND!!!!!!!!!!!! (FRIEND! FRIEND! FRIEND!)

L O L
L O L

Aivy: Ikumpara mo naman sa “dead” ni Helen McCory sa 7.2!!

2O103rH

Aivy: Hindi ko napanood iyong Sisterakas so wala akong ideya kung paano sila umarte sa movie na iyon pero napanood ko sila sa Got 2 Believe at masasabi kong nag-improve talaga sila, lalo na si Daniel. Si Kathryn naman mas gumanda iyong comic timing kaya pwede na talaga siya sa RomCom!! Ang galing din nilang dalawa kasi nagawa nilang gampanan iyong 2 role na magkaiba iyong paraan ng pag-arte pero may kaunting pagkakapareho sa pag-uugali (may sense ba?)

Sa KathNiel at Goma/Dawn

:'(
😥

Aivy: ❤

Redg: Sabi ni Aivy nung nagch-chat kami tungkol dito na sana magka-teleserye sina Dawn+Goma at KathNiel at sobrang agree ako. Dapat din pala mag-release ang mga TV Network ng mga DVDs ng teleserye nila! Ang papanget naman ng resolution sa iWant TV eh!

KathNiel = T E E N  R O Y A L T Y

WE WILL NEVER BE ROYALS
WE WILL NEVER BE ROYALS

Grabe pa ‘tong behind the scenes sa KFC commercial nila:

Aivy: May nirerelease talagang mga DVDs iyong ABS-CBN! Per volume ata sila kung magrelease. Meron din pati mga soundtrack nung mga teleserye.

Grabe iyong CharDawn (sinearch ko, ‘yan pala tawag sa kanila), gets ko na talaga bakit marami naging fan ng loveteam nila mula noon hanggang ngayon. Magtinginan lang sila eh grabe na! Dapat talaga gawan silang apat ng teleserye, as in ngayon na!

Sa overall lasting impression ng pelikula

Redg: Natutuwa ako na umo-okay na yung mga kwento sa mga mainstream Filipino movies. Subtle yung product placement, hindi nakakadistract (masyado). Hindi siya yung movie na tipong feeling mo nanonood ka ng isang mahabang commercial o di kaya parang hinintay muna yung sponsors bago sinulat yung kwento mismo. Sana ipagpatuloy lang ng Star Cinema ‘to at itigil na yung mga franchises na hindi mamatay-matay (Enteng Kabisote , Shake, Rattle and Roll, etc)

Aivy: Totoo ‘yan! Sana ang ipalabas nila ay iyong totoong may kwento talaga hindi iyong para lang masabing gumawa ng pelikula at kumita. Hindi ako nagsisising gumastos ako para panoorin ‘tong pelikula na ‘to.

Advertisements

2 thoughts on “She’s Dating The Gangster Roundtable

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s